(Maguindanao/ July 9,
2013) ---Itinanggi ng taga pagsalita ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o
BIFF na si Abu Misry, na may nakalas sila’ng mga kasama sa pakikipagbakbakan
nila noong nakaraang linggo sa tropa ng gubyerno sa North Cotabato at
Maguindanao.
Sa panayam, sinabi ni Misry na mga sibilyan at hindi mga BIFF ang tinamaan ng
mga mortar na pinaulan ng AFP noong Sabado at Linggo.
Reaksyon ito ni Misry sa mga inilabas na report ng 6th Infantry
Division na umabot sa labing-walo na mga operatiba ng BIFF ang namatay sa
dalawang araw na bakbakan sa Paidu Pulangi sa Pikit, North Cotabato at Shariff
Saydona Mustapha sa Maguindanao.
Sa report ni Col. Dickson Hermoso, ang hepe ng Public Affairs Office ng 6th ID,
lima sa mga tauhan nila ang nasawi sa engkwento – dalawa rito mula sa 57th IB
at tatlo mula sa 68th IB.
Pero ang BIFF nagtamo ng mas matinding casualty, ayon kay Hermoso.
Ibinatay ni Hermoso ang kanyang pahayag sa naging report ng ilang miyembro ng
Peace and Order Council ng munisipyo ng Shariff Saydona Mustapha.
Sa ngayon nasa defensive position ang militar sa
kabila nang nangyaring labanan.
Sinasabing namamayani pa rin ang takot
sa libu-libong mga evacuees na bumalik sa kanilang tahanan dahil nasa paligid
lamang ang mga rebelde.
Samantala,
sa ilang media reports umabot umano sa 80 mga BIFF ang napaulat na binawian ng
buhay, pero ang nasabing balita itinanggi naman ni pamunaun ng BIFF.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento