(Kabacan, North Cotabato/ July 12, 2013) ---Matapos
mapabilang sa ikatlong may mataas na malnutrisyon prevalence rate ang bayan ng
Kabacan nitong nakaraang taon.
Napili ngayon ang Kabacan na isa sa mga
recipient na programa ng Non Government Organization na Moderate Acute
Malnutrition Management Partnership for Implementation Localization and
Technology Transfer o MAMM PILOT Program.
Ito ang sinabi sa DXVL ni Nutrition Officer
Virginia Solomon kungsaan layon nito na pababain ang mataas na kaso ng
malnutrisyon sa bayan.
Ang nasabing programa ay kasabay na rin ng
pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong buwan kungsaan bibigyan ng ready to use
supplementary food ang mga natukoy na bata.
Sa ngayon nagsasagawa na ng screening ang
nutrition office ng LGU sa bawat barangay kungsaan titimbangin ang mga target
na bata at dadaan pa sa criteria bago makapasok sa nasabing programa, ayon kay
Solomon.
Bukod sa Kabacan, kabilang din ang bayan ng
Aleosan, Matalam at Makilala na benepisyaryo ng nasabing programa.
Ang programa ay sailalim ng World Food
Program, Save the Children, Provincial Government ng North Cotabato at
Pamahalaang Lokal ng Kabacan.
Una dito, nagsagawa na rin ng launching
kamakalawa ang Nutrition Office ng Kabacan sa brgy. Malamote para sa buong
buwang selebrasyon ng Nutrisyon Month na may temang “Gutom at Malnutrisyon,
Sama-sama nating Wakasan”. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento