(Maguindano/ July 9, 2013) ---Bagama’t
humupa na ang bakbakan ng sundalo at pangkat ng mga rebeldeng grupo sa
magkahiwalay na sagupaan sa lalawigan ng North Cotabato at Maguindanao.
Umaapela pa rin ngayon ang mga residenteng
diritsang naaapektuhan ng karahasan na wakasan na ang nasabing giyera.
Ito ang ginawang panawagan ng isang 11-anyos
na si Mashary Talusan, grande 5 pupil mula sa Brgy. Tapikan, Shariff Aguak,
Maguindanao.
Aniya, apektado na umano ang kanilang
pag-aaral bukod pa sa nagdulot ang nasabing giyera ng pangamba sa kanilang mga
kabataan at pahirap sa kanilang kabuhayan.
Batay sa report, pansamantala umano silang
nanunuluyan ngayin sa Brgy. Lapok sa bayan ng Shariff Aguak matapos nilang
lisanin ang kanilang lugar dahil sa matakot na maipit sa giyera at mabagsakan
ngmga malalaking bala.
Samantala, sa Paidu Pulangi sa bayan ng
Pikit, hindi naman bababa sa apt nalibung mga residente ang nagsilikas.
Kaugnay nito, nananawagan ngayon ang principal
ng Datu Bitol Mangansakan Elementary School na bigyan pansin ng pamahalaan ang
sitwasyon na hindi maapektuhan ang nagpapatuloy na klase.
Sa iba pang mga kaganapan, higit sa isang libong pamilya naman ang naapektuhan sa sagupaan ng
pwersa ng militar at BIFF sa mga bayan ng Shariff Saydona Mustafa at Datu
Piang, Maguindanao.
Ito ang lumabas sa inisyal na
pagtatala ng DSWD-ARMM kasama ang Regional Human Rights Commission o RHRC-ARMM.
Ayon kay ARMM executive secretary Atty. Laisa Alamiya, nakatakdang gawin ng
DSWD-ARMM, kasama ang RHRC at OCD-ARMM ang validation sa talaan ng mga
pamilyang naapektuhan ng gyera.
Ang validation ay bahagi ng
paghahanda ng ARMM Regional Government sa distribusyon ng tulong sa mga bakwit.
INIHAYAG din ni Alamiya na
patuloy silang nakikipag-ugnayan sa pamunuan ng 6th Infantry Division upang
tiyaking wala ng kaguluhan sa ilang bahagi ng Datu Piang at Shariff Saydona
Mustafa para bigyang daan ang distribusyon ng relief packs sa mga lumikas na
residente.
Kaugnay nito, una ng sinabi ni
6th ID Commanding General, Major Gen. Romeo Gapuz na itinigil na ng militar ang
kanilang opensiba kontra sa BIFF upang bigyang daan ang pagsisimula ng Ramadhan
o buwan ng pag-aayuno. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento