Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga motorsiklong walang plaka, kinumpiska sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ July 10, 2013) ---Abot sa 86 na mga motorsiklo’ng walang plaka ang kinumpiska ng PNP at ng mga traffic enforces sa Kidapawan City nang ilunsad nila ang Oplan Lambat Bitag, kanina.

Ang iba sa mga motorsiklo kwestyunable ang mga papeles nang sitahin ng mga pulis sa national highway.


Ayon kay Supt. Leo Ajero, hepe ng Kidapawan City PNP, ang Oplan Lambat Bitag ay isa sa kanilang mga istratehiya para masawata ang lumalalang problema nila sa riding-in-tandem.

Madalas, ayon kay Ajero, ay gumagamit ng mga motorsiklong walang plaka ang mga salarin.

Inamin mismo ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa katatapos lamang na Peace and Order Council meeting na ‘abnormal’ ang sitwasyon sa lungsod, matapos ang sunud-sunod na mga kaso ng pagpatay, nakawan ng motorsiklo, at holdup nito’ng nakalipas na ilang buwan.

Katunayan, base sa record ng Cotabato Provincial Police Office, nangunguna ang Kidapawan City sa may pinakamaraming kaso ng motorcycle theft, homicide, at robbery sa buong lalawigan ng North Cotabato.

Ayon sa city government, simula ngayong araw na ito paiigtingin nila ang implementasyon ng, “No Plate, No Travel Policy” sa lungsod.

Ang mga motorsiklo na nakumpiska ng mga awtoridad nasa kustodiya ngayon ng Kidapawan City PNP.

Kasama ng PNP sa Oplan Lambat Bitag ang mga operatiba ng bagong tatag na City Traffic Management Unit. (Malu Manar)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento