(Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2013) ---Bukas
pa pormal na magsisimula ang Holy Month of Ramadan o ang pag-aayuno ng mga
kapatid na muslim matapos na di makita ang buwan kagabi.
Ito ang sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni
Sultan sa Lanang Prof. Salik Makakena batay sa opisyal text message na kanyang
ipinarating sa himpilan kagabi.
Aniya, di umano nila nakita ang buwan sa
isinagawa nilang moon sighting kaya bukas pa magsisimula ang nasabing
pag-aayuno.
Kaugnay nito, may mga inihahanda na ring
programa ang pamunuan ng Institute of Middle East and Asian Studies o IMEAS sa
nasabing okasyon.
Ito
ang buwan kung kailan inihayag ni Allah ang Qur’an sa propetang si Muhammad.
Ang Ramadan ay galing sa salitang Arabo na ang ibig sabihin ay “nakapapasong
init”.
Ito ay panahon ng pagbubulay-bulay, debosyon sa Diyos, at pagpigil sa sarili.
Para sa mga Muslim, isa itong pagsasaayos at pagpapatibay ng kanilang ispirituwal na buhay.
Ang Ramadan ay opurtunidad ng pag-unlad sa pamamagitan ng pagbibigay at pagiging malakas sa pamamagitan ng katatagan sa gitna ng kahirapan.
Layunin nito na maranasan ang gutom upang magkaroon ng simpatiya sa mga mahihirap.
Ito rin ang oras ng pagpapasalamat kay Allah para sa lahat ng mga biyaya at pag-iwas sa mga bagay na hindi nakalulugod sa Kanya. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento