Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay, 4 sugatan sa kambal na pagsabog sa Cotabato City

(Cotabato City/ July 10, 2013) ---Niyanig ng dalawang malalakas na pagsabog ang Cotabato city, kagabi.

Batay sa report ng Cotabato city PNP, unang sumabog ang isang pinaniniwalaang m203 grenade launcher sa Manara street, Barangay Rosary Heights 10 ng lungsod eksaktong alas 8:45 Kagabi.


Wala namang tinamaan sa nasabing pagsabog maliban sa isang puno ng Avocado at nagdulot ng pangamba sa mga residente sa lugar.

Makalipas ang ilang sanadali habang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang mga pulisya at Explosive Ordnance Disposal o EOD Team sa nasabing lugar, isa pang malakas na pagsabog ang naganap sa Cafe Florencio, sa kahabaan ng Sinsuat Avenue na sakop ng Barangay Rosary Heights 7.

Sa nasabing pagsabog isa ang iniulat na namatay habang apat ang sugatan.

Kinilala ang biktima na binawian ng buhay na si Reynaldo Pascua, 40-anyos, night manager ng cafe florencio na taga Lambayong, Sultan Kudarat Province habang sugatan naman sina CORNELIO INOCENTIS, 38-anyos, isang government employee na residente ng De Mazenod Street, RH 3, Cotabato City, JAMES BRYAN FERNANDO, 22-anyos, waiter ng Cafe Florencio na taga ND Village, RH8, Cotabato City; AILEEN COQUIA, 35-anyos, residente ng TV Juliano Avenue, RH 12 at WINNETTE DUGAY GUERRA, 32-anyos, residente ng Sousa Street, RH 13, Cotabato City.

Nangyari ang insedente, ilang oras bago ang nakatakdang pagsalubong ng Holy Month of Ramadan na pormal ng magsisimula ngayong araw. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento