(Kabacan,
North Cotabato/ July 13, 2013) ---Nilinaw ng bagong administrasyon ni Mayor
Herlo Guzman Jr., na hindi nito tinanggal ang mga Job Orders, casuals at mga
coterminous na mga empleyado ng LGU Kabacan, bagkus ay nagtapos na ang kanilang
kontrata nito pang Hunyo a-30.
Marami kasi
sa mga Job orders sa munisipyo ang hindi na ni-renew ng bagong administrasyon
dahil ilan sa mga ito ay hindi na kailangan.
Partikular
din na natanggal ang mga coterminous kungsaan pagkatapos ng nagdaang termino ay
posibleng hindi na rin i-renew ang mga ito.
Marami din
kasi sa mga empleyado ay walang trabaho at nais ng punong ehekutibo na i-maximize
ang lahat ng trabaho ng mga kawani ng pamahalaang lokal.
Sa ngayon
nilimitahan nila ang pagtanggap ng bagong aplikante at ibabase ng bagong
administrasyon ang pag-hire batay sa kailangan ng munisipyo at ang
kwalipikasyon ng mga aplikante.
Batay sa pahayag
ng alkalde nakatuon umano ang kanyang administrasyon sa kung paanu ma address
at makamit ang stable na peace and order ng Kabacan para sa gayun ay mahikayat
ang maraming mga negosyante na mapupuhunan sa bayan at mapasigla ang ekonomiya
ng Kabacan.
Aminado ang
alkalde na malaking hamon kasi sa kanyang liderato ang peace and order ng
Kabacan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento