Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sariling franchise para sa COTELCO- PPALMA isusulong

(Midsayap, North cotabato/ July 14, 2013) ---Positibo ang pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco- PPALMA na matatalakay ngayong araw sa ika- 31 Annual General Membership Assembly ng kooperatiba ang pagnanais nitong humiwalay mula sa Cotelco- Main na nakabase sa Matalam, North Cotabato.

Sa pagpupulong kamakailan ng PPALMA Multi- Sectoral Electrification Advisory Council ay napagkasunduang hilingin sa Cotelco general assembly na payagan ang Cotelco-PPALMA na kumuha ng sarili nitong legislative franchise.

Nabatid na gagawain ngayong araw sa bayan ng Matalam ang pagtitipon ng member- consumers ng Cotelco.

Inihayag naman ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan ang buong suporta nito kapag tinalakay na sa congressional franchise committee ang panukalang batas na magtatakda sa pagbibigay ng sariling prangkisa sa Cotelco- PPALMA.

Ngunit iginiit ng opisyal na kailangang konsultahin ang mga konsumidores tungkol dito at siguruhing magmumula mismo sa kanila ang pagnanais na tuluyang humiwalay sa Cotelco- Main.

Kung maipasa na sa kongreso ay magiging Cotelco 2 ang itatawag sa kooperatiba.

Siserbisyuhan ng Cotelco 2 ang mga bayan ng Pikit, Pigcawayan, Alamada, Libungan, Midsayap at Aleosan na bumubuo sa PPALMA area.


Noong Oktubre 2012 ay matatandaang inaprubahan ng National Electrification Administration o NEA na mag- operate ang Cotelco-PPALMA bilang ‘separate business entity’ ng Cotelco- Main. (Roderick Rivera Bautista)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento