(Kabacan,
North Cotabato/ July 16, 2013) ---Abot sa 138 motorsiklo na walang plaka ang
nakumpiska sa isinagawang Oplan Lambat Bitag ng Kabacan PNP nitong linggo.
Ayon kay
Kabacan PNP Chief Inspector Jubernadin Panes, ito ang naging bunga ng kanilang
implementasyon sa nasabing programa upang mapigilan ang mga motoristang
bumibiyahe ng walang plaka.
Isa rin ito
sa solusyon upang masawata ang iba't-ibang kriminalidad kung saan, karaniwang
gamit ng mga suspek ang mga motorsiklong walang plate number.
Sa mas
pinalawak na pagpapatupad ng Oplan Lambat Bitag,umaasa ang opisyal na
mababawasan na ang kaso ng mga krimeng may kinalaman sa mga riding-in-tandem.
Sa ngayon ay
nasa kostudiya na ng Kabacan PNP ang nasabing mga motorsiklo.
Sa Pikit, North Cotabato naman---Na-impound ang labin-limang motorsiklo na walang plaka sa
ipinapatupad na No Plate No Travel Policy ng Pikit PNP noong Sabado.
Ayon kay
Pikit Chief of Police Senior Inspector Elias Dandan, resulta ito ng kanilang
inilagay na mga checkpoint sa mga pangunahing kalsada ng bayan.
Bahagi rin
ito ng kanilang kampanya kontra sa mga riding-in-tandem na suspek sa pamamaril.
Matatandaang
riding-in-tandem ang suspek sa sampung kaso ng pamamaril sa bayan ng Pikit.
Sa ngayon ay
mas lalong pinalakas ng Pikit PNP ang kanilang koordinasyon sa kumunidad upang
mas maging epektibo ang kanilang kampanya laban sa iba’t-ibang krimen.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento