(Midsayap, North Cotabato/ July 16, 2013) ---Kung si Midsayap Mayor Romeo AraƱa ang tatanungin, pansamantala lamang umano ang pagsasara ng kabubukas na Public terminal sa Barangay Sadaan sa bayan ng Midsayap.
Ito habang pinag-uusapan pa kung magkano ang ilalaang pamasahe sa mga tricycle na bumabiyahe mula sa sentro ng Midsayap patungo sa Sadaan Terminal.
Nabatid na maraming pasahero ang nagreklamo dahil abot sa 30 piso o higit pa ang sinisingil na pamasahe mula down town hanggang sa Sadaan Public Terminal.
Dahil sa mga reklamong ito, agad na nagpatawag ng pagpupulong ang punong ehekutibo kasabay ng pagbubuo ng Technical Working Group para tutukan at solusyunan ang nasabing reklamo.
Binabalangkas na rin ng Pamahalaang Lokal ng Midsayap ang Memorandum of Understanding sa lahat na saklaw ang nasabing usapin partikular na ang mga Van, Bus at maging ang mga tricycle drivers at operators.
Habang sarado ang pampublikong sakayan, pansamantalang inilagay ang terminal ng Van malapit sa Rotonda ng Midsayap.
Sa ngayon, binigyan na lamang ng isa o dalawang buwang palugit ang Sanggunian na resolbahin ang nasabing gusot. (Rhoderick BeƱez)
DXVL Staff
...
Kabubukas na Public Terminal ng Midsayap, isinara sa Publiko
Lunes, Hulyo 15, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento