Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan Comelec, naghahanda na para sa nalalapit na SK at Barangay Election

(Kabacan, North Cotabato/ July 18, 2013) ---Ngayon pa lamang ay todo handa na ang Commission on Elections o Comelec Kabacan para sa gagawing synchronized Sangguniang Kabataan at Barangay eleksiyon ngayong darating na Oktubre.

Sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Acting Election Officer Gideon Falcis na magsisimula ang registration sa July 22-31.
Para naman sa Sangguniang Kabataan dapat edad 15 hanggang 18 taong gulang ang mga ito para makaboto sa SK.

Kung lalagpas naman sa 18-anyos ay mapapabilang ang mga ito sa regular voters, ayon kay Falcis.

Samantala, nakatakda naman ang filing ng mga kakanditado sa SK at Barangay election sa October 15-17 bagamat di pa pinal ang nasabing petsa, ayon sa opisyal.

Sinabi ni Falcis na mano-mano ang gagawing SK at Barangay election at hindi automation ang gagawin dito.

Sampung araw lamang ang haba ng registration para sa nalalapit na Barangay Halalan kungsaan magsisimula na ito sa araw ng Lunes.

Ang tanggapan ng comelec Kabacan ay makikita sa Municipal compound malapit lamang sa MSWDO. Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento