(Kabacan, North Cotabato/ July 16, 2013) ---Itinalaga
bilang bagong Chief of Police ng Kabacan Municipal Police station si PCInsp.
Jordine Maribojo.
Pormal ng nagsimula ang panunungkulan ng
opisyal ngayong araw bilang hepe ng Kabacan PNP kungsaan ipinakilala ang
opisyal sa kauna-unahang peace and order council meeting na ipinatawag ni Mayor
Herlo Guzman, Jr ngayong hapon.
Si Maribojo ay galing ng Pikit PNP at
nagsilbi rin bilang hepe ng Carmen PNP.
Pinalitan ng opisyal ang dating Chief of
Police ng Kabacan na si Supt. Leo Ajero na ngayon ay itinalaga sa Kidapawan
City PNP.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng opisyal na
kanyang tutukan ang peace and order ng Kabacan kungsaan malaking hamon umano ito
sa kanya na pababain ang mataas na kaso ng kriminalidad ng Kabacan.
Sa kanyang pag-uulat sa MPOC ngayong hapon,
mula buwan ng Enero hanggang a-15 ng Hulyo nakapagtala ang Kabacan PNP ng 2
shooting incident, 1 motorcycle theft at 1 grenade throwing.
Planu din nitong palakasin ang foot patrol
team, mobile patrol team at police visibility sa pakikipagtulungan ng sundalo
para tiyakin ang seguridad ng bawat residente ng Kabacan, partikular na ang
Poblacion.
Sinabi rin nito na di nila magagawa ang
lahat kung wala ang kooperasyon ng mamamayan na agad na magsumbong o
makipagtulungan sa kanila sa pagsawata ng mga kriminalidad sa bayan.
Suportado naman ni Mayor Guzman ang hakbang
ng PNP at lahat ng ahensiyang may kinalaman sa peace and order layon para
magiging mapayapa at tahimik ang Kabacan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento