Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Militar at NPA nagka-engkwentro sa Magpet, North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ July 15, 2013) ---Nagkasagupa ang mga tropa ng 57th IB Scout platoon at abot sa tatlumpong pinaniniwalaang miyembro New People’s Army sa Sitio Kisimbit, Barangay Manobo, Magpet, North Cotabato alas diyes ng umaga kahapon.

Ayon sa report, nagsasagawa ng military operation ang mga sundalo nang makasalubong nila ang grupo ng Southern Regional Command ng NPA na pinamunuan ni Kumander Ryan Pitao.

Kasama rin ng kumander sina alyas Jasmine, alyas Bob at alyas Masi.

Tumagal ng halos 35 minuto ang palitan ng putok.

Matapos ang putukan, nakubkob ng mga sundalo ang pinaniniwalaang kampo ng NPA sa lugar.
Nakarekober mula sa naturang kampo ang mga improvised bankers, raincoat, first aid kit at listahan ng mga baril na kanilang nabili.

Wala naman umanong naiulat na nasugatan o namatay sa nasabing enkwentro.

Samantala sa iba pang mga balita, umaapela ngayon si South Cotabato PNP OIC, Superintendent James Gulmatico sa mamamayan na tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lalawigan.

Hiniling ni  Gulmatico sa mga residente ang agarang  pagsumbong sa mga otoridad  sa anumang kahina-hinalang bagay o personalidad na makikita sa kanilang lugar.

Ipinagpasalamat naman ng police official ang kooperasyon na ipinapakita ng publiko sa inspeksyon na isinasagawa ngayon ng PNP.

Ito ay kaugnay naman sa mas mahigpit na pagbabantay sa seguridad sa lalawigan para matiyak ang  kapayapaan habang ipinagdiriwang  ang 14th T’nalak Festival at 47th Foundation Anniversary ng South Cotabato.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento