Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Rural access projects ipatutupad sa Unang Distrito ng North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ July 15, 2013) ----Abot sa siyam na Rural Access Projects ang nakatakdang ipatupad sa mga bayan ng Aleosan, Pikit, at Libungan sa unang distrito ng North Cotabato sa pangunguna ng Department of Agrarian Reform o DAR.

Kaagapay ng DAR sa implementasyon nito ay ang Department of Agriculture o DA.


Pangunahing proyekto sa ilalim nito ay ang farm-to-market roads na magbibigay ng malaking tulong sa ilang agrarian reform communities sa distrito.

Umaasa ang pamunuan ng DAR- North Cotabato provincial office na mailalabas na ang pondo para sa ipapatupad na mga proyekto sa lalung madaling panahon.

Kaugnay nito ay hiniling ni Provincial Agrarian Reform Officer Marion Abella sa tanggapan ni Rep. Jesus Sacdalan na makipag- ugnayan sa Deparment of Budget and Management o DBM upang mailabas na ang pondo para sa proyekto.


Ayon sa opisyal, isinumite na rin umano nila ang mga kopya ng validation forms at requisite program of works sa DAR- XII upang maindorso sa DAR central office. (Roderick Bautista)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento