Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

“No Plate, No Travel Policy”, isinusulong ng bagong hepe ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 17, 2013) ---Matapos na ipatupad ng bagong hepe ng Kabacan PNP ang “No Plate no travel Policy” agad na naka-impound ang mga ito ng 3 motorsiklo na walang mga plaka.

Ang pagkakakumpiska ng tatlong motorsiklo ay nahuli kahapon ng madaling araw sa oplan sikpaw, oplan sita at sa nagpapatuloy na operation kapkap bakal ng Kabacan PNP na pinangungunahan ng bagong chief of Police ng Kabacan MPS na si PCInsp. Jordine Maribojo.

Iginiit naman ni Maribojo na dapat ay maging modelo rin ang mga alagad ng batas matapos na masabon ang isa sa tauhan nito ng sumita ng “No Helmet No Travel Policy”.

Ito makaraang nakalusot ang isang motorista na walang helmet pero ang isa pumalag matapos na sitahin ng pulisya na wala ring suot na helmet.

Sinabi ni Maribojo na maging ang alagad ng batas at maging ang kawani ng munisipyo ay di rin sumusuot ng helmet, kaya hindi naging magandang modelo ang mga ito.


Maliban dito, palalakasin nito ang oplan sita dahil karamihan sa mga motorsiklo na ginagamit ng mga masasamang loob ay walang mga plaka, kaya kapag walang kaukulang dokumento at plaka ang sasakyan, agad na iimpound nila ito. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento