Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagpapabalik sa kumpiyansa ng taong bayan, isa sa mga prayoridad sa 100 days ni Mayor Guzman

Mayor Herlo Guzman, Jr.
(Kabacan, North Cotabato/ July 19, 2013) ---Nais ngayon ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na maibalik ang kumpiyansa ng taong bayan sa Pamahalaang Lokal.

Ito ang sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ng opisyal matapos na ihayag nito na isa sa kanyang prayoridad na tutukan ay ang peace and order sa bayan sa unang isangdaang araw nitong panunungkulan bilang bagong alkalde ng Kabacan.

Dagdag pa nito na ang nasabing hakbang ay upang hindi na matakot ang mga negosyante na maglagak ng kanilang pununan sa bayan.

Bagama’t maliit lamang umano ang kanyang programa sa loob ng 100 days, kanya rin umanong tutukan ang improvements sa mga barangay partikular na ang farm to market roads.

Sa ngayon may mga binabalangkas na ring MOA ang LGU at ang NIA kungsaan ang LGU ang magmamantina ng kalsada ng mga irrigators upang sa gayun ay mapabilis ang pagluluwas ng mga produkto ng mga magsasaka buhat sa mga bukirin, ayon pa sa opisyal.


Kabilang din sa kanyang tutukan ay ang trapiko sa mga pangunahing kalye ng Poblacion at ang isyu hinggil sa pag-pick up ng mga Van at mga Bus ng mga pasahero sa National Highway ng Poblacion. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento