Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga pamilyang naapektuhan ng engkwentro ng BIFF at military, unti-unti ng bumabalik

(Pikit, North Cotabato/ July 16, 2013) ---Unti-unti ng bumabalik sa kanilang mga tahanan ang ilang pamilyang naapektuhan sa engkwentro sa pagitan ng  Bangsmoro Islamic Freedom Fighters at militar sa Paidu Pulangi,Pikit North Cotabato, noong nakaraang linggo.

Ito ang ipinahayag ni Pikit Municipal Disaster Risk Reduction and Management officer Tahira Kalantongan.

Nagdesisyon na umano ang ilang residente ng nasabing lugar na bumalik na sa kanilang mga tahanan dahil sa limitadong pagkain,tubig at hindi maayos na tulugan sa mga evacuation center.

Wala rin daw silang magpagkakakitaan at kailangan na nilang balikan ang kanilang mga naiwang hayop.

Sa kabila nito, may ilang bakwit  pa rin ang nananatili sa mga evacuation center dahil sa takot.
Patuloy naman ang suporta ng Pikit LGU sa mga bakwit pero hindi sila sigurado kung magiging sapat pa ba ito dahil sa kakulangan ng pondo.


Sa tala ng Pikit MDRRMC, abot 800 pamilya ang lumikas mula sa Barangay Macasendig at Paidu Pulangi dahil sa nangyaring engkwentro ng militar at BIFF.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento