Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pamunuan ng Kabacan PNP, tinawanan lamang ang report na pinaka-kurap na ahensiya ang mga ito

(Kabacan, North Cotabato/ July 19, 2013) ---Tinawanan lamang ng bagong upong Chief of Police ng Kabacan ang lumabas na report na ang kanilang ahensiya ang pinaka-kurap na institusiyon sa Pilipinas, batay sa latest na Global Corruption Barometer Survey ng Transparency International.

Ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo sa panayam sa kanya ng DXVL News hindi umano siya makabigay ng di magandang kumento sa lumabas na ulat, ito dahil ang local PNP naman ay walang natatanggap na reklamo mula sa mga personnel nito na may kinalaman sa kurapsiyon o di kaya may mga anomalyang may kinalaman sa pera at supplies.

Sinabi ng opisyal na dapat umanong i-analisa ng maayos ng mga nagpalabas ng nasabing report dahil bukod sa Kabacan MPS ay wala rin umanong ulat na nasangkot ang Provincial Police Office sa anomang anomalya.

Ayon kasi sa report sa kabila ng walang tigil na reporma ng PNP sa kanilang mga tauhan, patuloy pa rin umano ang hindi kanais-nais na mga Gawain.

Batay sa ulat, marami umanong mga pulis ang sangkot sa katiwalian kagaya ng pangongotong. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento