Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Colorcoding sa mga bumibiyaheng tricycle at trisikad sa Kabacan, ipapatupad

(Kabacan, North Cotabato/ July 19, 2013) ---Para matukoy kung kolurom ang mga bumabiyaheng tricycle at trisikad sa bayan ng Kabacan, magpapatupad ng color coding ang Pamahalaang Lokal ng Bayan.

Ito ang isa sa mga pinag-usapan kahapon sa ipinatawag na pagpupulong ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., sa mga transport sektor sa bayan.

Sa eksklusibong panayam ng DXVL News sa punong ehekutibo sinabi nitong pipinturahan ng kulay Dalandan  o Orange ang lahat ng mga bumibiyaheng sikad at tricycle.

Ibigsabihin kapag walang colorcoding ang nasabing sasakyan, tiyak aniyang kolurom ang mga ito.

Bukod dito, planu din ng opisyal na palagyan ng luminous na numero ang mga bumibiyaheng sikad at tricycle, ito para madaling makita kahit gabi ang numbers ng mga ito.

Dapat din umanong mag-parehistro sa Night pass ang mga sasakyang babiyahe kung gabi sa PNP para maiwasan rin ang pagkalat ng mga sasakyang ginagamit ng mga masasamang loob.


Sinabi ni Guzman na sisikapin nitong tutukan ang peace and order sa bayan ito para maibalik ang kumpiyansa ng taong bayan at makahikayat pa ng maraming mamumuhunan sa Kabacan at maisulong ang pag-unlad ng bayan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento