Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

5.2 na magnitude na lindol; yumanig sa Carmen, north cotabato

(Kabacan, North cotabato/ July 15, 2013) ---Muling niyanig ng 5.2 magnitude na lindol ang Carmen, North cotabato ngayong alas 9:28 ng umaga.

Sa report ng DOST-Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ang sentro ng lindol ay nasa 12 kilometro ng hilagang bahagi ng Carmen.

May lalim itong 1 kilomentro kungsaan tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang intensity 2 sa Kidapawan City. Naramdaman din ang pagyanig sa Kabacan, North Cotabato.

Inaalam pa ngayon ng mga otoridad kung may naiulat na nasaktan o napinsala sa nasabing pagyanig.

Bago ang 5.2 na lindol, una na ring inuga ng 3.9 na magnitude ang nasabing lugar alas 7:37 kanina.

Naitala ang intensity 2 sa bayan ng Carmen, North Cotabato. (Rhoderick Beñez)









0 comments:

Mag-post ng isang Komento