(Kabacan,
North Cotabato/ July 16, 2013) ----Dapat umanong magtulungan at kalimutan na
ang pulitika dahil tapos na ang eleksiyon, ito para sa ikabubuti ng bayan ng
Kabacan.
Ito ang
sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Kabacan Mayor Herlo “Jojo” Guzman, Jr., sa kauna-unahang Peace and
Order Council Meeting ngayong hapon.
Humuhingi
ng tulong ang punong ehekutibo sa mga brgy opisyal at sa mga alagad ng batas
kasama na sa kanyang panawagan ang mga resident eng bayan na makiisa para
masugpo na ang lumalalang kriminalidad sa Kabacan.
Sa kanyang
pag upo bilang alkalde ng Kabacan kagaya ng kanyang ipinangako noong panahon ng kampanya na kanyang tutukan ang peace ang order ng Kabacan.
Inihayag
din nito ang kanyang pagsuporta sa lahat ng programa ng pulisya at militar
hinggil sa pagsawata ng kriminalidad sa bayan.
Katunayan,
aniya una ng binalangkas sa Sangguniang Bayan ng Kabacan ang pagbuo ng Task
Force Kalsada at task Force Kabacan ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at
militar para magbantay sa lahat ng sulok ng Kabacan.
Aasahan din
umanong lalagyan ng pondo ng kanyang liderato ang pulisya para sa kanilang
gasolina at ang ilalakad na tulong sa PNP National para mabigyan ng dagdag na
sasakyan ang PNP Kabacan.
Hinimok din
nito ang bawat barangay opisyal na makipagtulungan sa kanya matapos na
idinagdag sa regular na miyembro ng MPOC ang 24 na Punong barangay ng
Poblacion. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento