Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa 3 libung mga residente ang naapektuhan sa nagdaang giyera sa North Cotabato, binigyan na ng tulong ng LGU Pikit

(Pikit, North Cotabato/ July 10, 2013) ---Abot sa 3,697 na mga residente ang nagsilikas matapos na maipit sa nagdaang giyera sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Ang nasabing mga residente ay buhat sa dalawang mga brgy ng Paidu Pulangi at Macasendeg na naipit sa nagdaang bakbakan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF at ng tropa ng military.

Sa panayam ng DXVL kay Pikit MDRRMC head Tahira Kalantongan sinabi nitong 821 ang nabigyan nila ng tulong kahapon na nagrerepresenta sa mahigit sa tatlong libung mga resident eng lugar.

Sa ngayon pansamantalang nanunuluyan ang mga ito sa pitong mga evacuation centers ng Pikit partikular sa Paidu Pulangi and Macasendeg.

Pansamantalang ginawa muna ngayong temporary shelters ang classrooms at compound ng Datu Bitul Elementary School, maging ang entablado ng Memorial High School at mga day care center at silid aralan.

Bagama’t humupa na ang sagupaan sa Paidu Pulangi wala pa pa umanong ‘go’ signal ngayon ang mga otoridad kung babalik na sa kanilang pamamahay ang mga evacuees. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento