Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Temporary stalls itatayo para sa mga apektado ng Midsayap Mega Market Project


(Midsayap, North Cotabato/ August 2, 2013) ---Planong magtayo ng lokal na pamahalaan ng Midsayap ng temporary stalls para sa mga maaapektuhan ng demolisyon at konstruksyon ng New Mega Market Project.

Isa ito sa mga pangunahing usapin na tinalakay kahapon sa pagpupulong ng Midsayap Municipal Development Council sa ABC Hall ng bayan.


Higit dalawang milyong piso ang ilalaan ng pamahalaang lokal para dito.

Umabot sa 137 mga umuukupa sa palengke ang inaasahaang maapektuhan ng proyekto ayon sa datos ng Municipal Planing and Development Office.

Nabatid na itatayo ang temporary stalls sa bahagi ng Old Terminal site kung saan dito muna pansamantalang magtitinda ang mga apektadong vendors hanggang sa matapos ang proyekto.

Ayon kay Municipal Councilor Jesus Superioridad, ang aksyong ito ay resulta na rin ng mga isinagawang konsultasyon bago simulan ang pagsasaayos ng pamilihang bayan.

Sinabi din ng opisyal na aabutin ng higit isang taon ang konstruksyon ng mega market project. (Roderick Bautista)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento