Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(BREAKING NEWS) 6 Patay;30 sugatan sa pagsabog sa Cotabato city


(Cotabato City/ August 5, 2013) ---Sumampa na sa Anim katao ang iniulat na namatay habang marami ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa Cotabato city alas 4:30 ngayong hapon lamang.

Batay sa impormasyong nakalap ng DXVL News mula kay Sam Sali, Reporter ng DXMS na nakabase sa Cotabato City isang Car Bomb sa harapan ng Jollibee ang sumabog na nasa Sinsuat Avenue.

Ayon kay Sali, Apat ang dead on the spot habang umakyat na ngayon sa anim ang namatay sa nasabing pagsabog.


habang nag-uulat si Sali sa DXVL ngayong hapon ay tuluyan namang naapula ang sunog sa pinangyarihan ng pagsabog na carbomb.

Nadamay din ang dalawang motorsiklo, isang heavy dump truck at isa pang sasakyan.

Dahil sa lakas ng pagsabog na nagpayanig sa nasabing lugar dahilan kung bakit nagkalasog-lasog ang katawan ng mga namatay.

Iniulat naman ni ARMM Gov. Mujiv Hataman ang sumabog ay isang multi-cab.

Ayon sa ulat ng pulisya padaan ang sasakyan ni City Administrator Atty Cynthia Guiani Sayade sa Sinsuat Avenue ngunit pagsapit nito sa harap ng Villa Funeral Homes lumagpas lang ito ng ilang metro at sumabog ang isang carbomb na nilagay sa nakaparadang multicab.

Dahil sa lakas ng pagsabog wasak ang isang Mitsunishi Strada,dalawang motorsiklo,isang baby damptruck at tinamaan rin ang police car na escort ni Atty Sayade.

Karamihan sa mga nasawi ay nagkalasog-lasog ang kanilang katawan sa lakas ng bomba.

Nagkaron rin ng sunog pagkatapos ng pagsabog dahil lumiyab yong mga sasakyan na tinamaan ng carmbomb.

Karamihan sa mga sugatan ay dinala sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) Notre Dame Hospital at Cotabato Emergency Hospital.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya at militar sa panibagong pagsabog sa Cotabato City.

Umakyat naman ngayon sa 30 ang sugatan sa nasabing pagsabog.

 Kinokordon na ang lugar habang patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari.(Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento