(Kabacan, North Cotabato/ August 10, 2013) ---Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Kabacan nitong Huwebes.
Ang pagdeklara ng under state of calamity ang bayan ay batay na rin sa rekomendasyon ng Municipal Social Welfare and Development Office at ng naiwang pinsala sa mga pananim dahil sa baha dala ng pagbuhos ng ulan nitong nakaraang mga araw.Sa interbyu ng DXVL News kay Vice Mayor Myra Dulay Bade anim na mga barangay mula sa 24 ang lubog sa tubig baha na naging sanhi ng pagkasira ng halos 300 ektaryang palayan dahil sa pag-apaw ng tubig mula sa ilog ng Rio Grande de Mindanao.
Kabilang sa mga binahang barangay ang Cuyapon, Kilagasan, Bangilan, Malamote, Lower at Upper Paatan, ayon kay Dulay.
Samantala sa hiwalay na panayam ng DXVL News kay Private Secretary Yvonne Saliling ng LGU nakatakdang ilalabas ng Pamahalaang lokal ng Kabacan ang pondo sa Lunes matapos na maaprubahan na ito sa Sanggunian.
Abot 500 magsasaka ang naapektuhan ng pagbaha at nakatakdang bigyan ng binhi ng Municipal Agriculture Office.
Matapos dineklara ang state of calamity sa Kabacan, magagamit na nito ang 30% ng kanilang disaster emergency fund upang matulungan ang mga biktima at mapaayos ang mga nasira ng baha.
Magugunita na una nang nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Tulunan na matapos na binaha noong Hulyo 25, 2013 kung saan marami ang nagsilikas.
Ang baha sa Tulunan ay nagdulot ng mahigit P1 milyon pinsala makaraang naapektuhan ang 500 magsasaka mula sa 20 barangay. (Rhoderick Beñez)
DXVL Staff
...
Calamity fund ng Kabacan, ilalabas na sa Lunes
Sabado, Agosto 10, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento