(Kabacan, North Cotabato/ August 5, 2013)
---Pumapangalawa ang University of Southern Mindanao sa top performing Schools
sa buong bansa sa katatapos na Licensure Examination for Agriculture batay sa
higit isang daang mga kumuha ng nasabing eksaminasyon.
Batay sa resulta na inilabas ng Professional
Regulation Commission nakakuha ang USM ng 59.09% above national Passing rate.
Ang nasabing resulta ay inilabas ng PRC
noong Huwebes ng gabi kungsaan 1,712 ang pumasa mula sa 4,861 na kumuha ng
eksaminasyon na isinagawa sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao,
Ilo-ilo, Legazpi, Lucena, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga noong Hulyo.
Malaking karangalan naman di lamang sa
College of Agriculture kundi maging sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao ang
karangalang iniukit ng mga mag-aaral ng unibersidad matapos na may 104 na
bagong mga agriculturist na produkto ang Pamantasan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento