Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BIFF at Sundalo nagkasagupa sa Aleosan, North Cotabato; 2 BIFF patay 2 Militar sugatan

(Aleosan, North Cotabato/ August 10, 2013) ---Hindi nakaligtas sa karit ni kamatayan ang dalawang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ng mapatay sa engkwentro ng tropa ng sundalo sa Barangay Pagangen Aleosan, North Cotabato alas 9:30 ngayong umaga.

Ang mga namatay na BIFF ay kinilala sa kanilang mga alyas na sina Sanday at Dimasangkay ayon sa ulat ng mga barangay opisyal sa lugar.Dalawa naman sa mga sundalo mula sa 40th Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga sugatan na kinilalang sina Sergeants Greg Sarte at Alexis Amando.

Batay sa report ng 602nd Brigade, nagsasagawa umano ng pagpapatrol sa pagitan ng Barangay Pagangan, Aleosan at Barngay Nalapaan sa bayan naman ng Pikit ng maengkwentro ng mga sundalo sa pamumuno ni 1st Lt. Dexter Magbitang ang BIFF.

Mahigit 70 mga BIFF ang nasagupa ng sundalo.

Pinamumunuan naman ni Commander Jun at Commander Kamad na kapatid ni Kagi Karialen na nasa ilalim ni Commander Kuyo Aliman ng MILF 105th Base Command ang sinasabing nasagupa ng mga sundalo.

Habang ginagawa ang balitang ito ay maririnig pa dito sa kalapit na bayan ng Kabacan ang nasabing putukan.

Sa ngayon patuloy pa ang follow up operations ng mga tropa ng militar at pulisya laban sa mga rebelde.

Bagama’t madadaanan naman ang National Highway dahil nasa loob ang engkwentro, mas mainam sa mga motorista na wag ng bumiyahe ng gabi dahil delikado at marami na ang mga nagsilikas na mga pamilya matapos na madamay sa nasabing kaguluhan.

Sa hiwalay na panayam ng DXVL News sa tagapagsalita ng BIFF Abu Misry Mama sinabi nitong wala pang ulat na nakarating sa kanila na may miyembro sila na nalagas sa panibagong sagupaan sa boundary ng Aleosan at Pikit datapwat ipinagmalaki nito na nakubkob umano ng BIFF ang kampo ng militar sa lugar.

Sa kanyang Facebook page, nagpalabas din ng opisyal na pahayag si Cotabato Gov. Emmylo Lala Talino Mendoza na inatasan na nito ang mga sundalo at kapulisan na tiyakin ang seguridad sa kahabaan ng Cotabato Davao road.

Kaugnay nito, nakahanda na ang tulong ng Pamahalaang probinsiya at ng LGU para sa mga nagsilikas na pamilya. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento