Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) Motibo at suspek sa pagpapasabog sa Kabacan kagabi, tukoy na! ---PNP Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 10, 2013) --- Tukoy na ngayon ng kabacan PNP kung anung grupo ang nasa likod ng pagpapasabog sa bayan ng Kabacan pasado alas 7:00 kagabi.

Bagama’t tumangging pangalan ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang nasabing grupo, sinabi naman nitong pananabotahe lamang ito sa bayan.Ang nasabing panggugulo umano ng grupo ay bilang paghihigante nila sa pagbuwag ng pulisya sa kuta ng mga tulak droga sa lugar.

Posible rin umanong hamon ito sa bagong liderato ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., dahil sa tinututukan nito ang peace and order ng bayan.

Dahil sa mahigpit na seguridad sa loob ng Poblacion, nasa bahagi umano ng Brgy. Kayaga nakaposisyon ang pagpaapsabog ng launcher grenade at tumama sa bahay ni Eddie Antolin na ikinasugat nito kasama ng tatlo pang miyembro ng pamilya sa may Rizal St., Poblacion.

Kinilala ang mga sugatan na sina: Benjamin Ferrer, 67; Lucena Ferrer, 60 at isang 9 na taong gulang na bata na kinilalang si Dzazer Ezekiel Antolin lahat nakatira sa nasabing bahay.

Sinabi ni Maribojo na ang pagsabog sa Kabacan ay walang kaugnayan sa nangyaring pagsabog sa Cotabato city at bayan ng Midsayap. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento