Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(BREAKING NEWS) IED, sumabog malapit sa istasyon ng Radyo sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ August 7, 2013) --- Isang malakas na pagsabog ang gumulantang sa bayan ng Midsayap, North Cotabato pasado alas 3:00 kaninang madaling araw.

Sa report ni Cotabato PNP provincial director S/Supt Danilo Peralta, sumabog ang hindi pa matiyak klase ng Improvised Explosive Device o IED sa harap mismo ng M-Lhuillier Pawnshop na nasa Sto Niño St., sa nabanggit na bayan.

Nasa ikalawang palapag ng gusali nakahimpil ang DXMA-FM Wow Radio.

Inihayag ni Supt Reinante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP na inilagay ang improvised explosive device (IED) sa ilalim ng upuan ng naturang pawnshop.

Dahil sa lakas ng bomba nawasak ang harapang bahagi ng ML Pawnshop at mga salamin ng ilang tindahan malapit sa naturang lugar.

Bagama’t walang nasugatan sa nasabing pagsabog, nagdulot naman ito ng takot sa mga kawani ng 104.1 Wow Radio na nasa itaas na bahagi ng ML Pawnshop kung saan nabasag ang mga gamit nito at na off-air  sandali ang kanilang stasyon sa lakas ng IED.

Inaalam naman ngayon ng mga otoridad kung may kaugnayan ang insidente sa nangyaring bombing incident sa Cotabato City nitong nakaraang Lunes. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento