Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mayor Herlo Guzman Jr., nag-paabot ng tulong sa mga biktima ng pinakahuling pagsabog sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/ August 10, 2013) --- Nagbigay ng financial assistance si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., sa apat na biktima ng pinakahuling pagsabog sa Kabacan.

Ayon kay Private Secretary Yvonne Saliling ng LGU Kabacan agad na inatasan ng alkalde ang mga kapulisan na laliman ang ginagawang imbestigasyon sa nangyaring insedente.

Maraming anggulo ngayon ang tinitingnang motibo ng mga otoridad, isa na dito ang panggugulo sa bayan.

Samantala, maswerte namang di napuruhan ang apat na mga biktima dahil sa bubong pa lamang ng bahay ay sumabog na ang nasabing granada.

Sugatan ang mag-asawang Ferrer ito dahil sa nasa sala ang mga ito na nanonood ng tv ng pumutok ang nasabing pampasabog na ikinasugat ng siyam na taong gulang na bata na si Ezekiel Antolin at ang Cafgu na si Eddie Antolin. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento