Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Buwan ng Wika, pinaghahandaan na ng Kabataang Maka-Pilipino ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao

(USM, Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2013) ---Pinaghahandaan na ngayon ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao ang pagdiriwang ngayong taon ng buwan ng wika.

Ayon sa pamunuan ng Kagawaran ng Wika at Panitikang Filipino inilatag na nila ang iba’t-ibang mga programa hinggil dito kungsaan sisimulan ang pambungad na palatuntunan bukas sa entablado ng DD Clemente na nasa loob ng USM Main campus sa ganap na ika-pito ng umaga.


Kaagapay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Unibersidad ang Kapisanan ng Kabataang Maka-Pilipino.

Kabilang sa mga aktibidad na ito ang Patimpalak sa Panitikan at Laro ng lahi.

Ang nasabing programa ay dadaluhan ng mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Filipino.

Ang selebrasyon ng buwan ng Wika ngayong taon ay may temang “Wika Natin ang Daang Matuwid”. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento