Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) Granada, ginamit sa pagpapasabog sa USM, Kabacan, Cotabato; strafing incident, naitala din sa loob ng Pamantasan

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 29, 20134) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang pagsisiyasat ng mga kapulisan sa panibagong pagsabog ng granada sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kagabi.                                                                                                                                               
Sa panayam ng DXVL News kay PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP sumabog ang granada sa likurang bahagi ng Administration building ng USM may anim na metro ang layo mula sa gusali.                                
Hind pa ngayon malinaw sa mga otoridad kung may kinalaman sa gusot sa University of Southern Mindanao ang nasabing pagsabog.                   

Pinawi naman ni OIC Pres. Christopher Cabilen ang pangamba ng publiko paritkular na ng mga mag-aaral, guro at Staff ng Pamantasan ang nangyaring insedente sa loob ng Unibersidad.                                                                             

Bagama’t walang nasakatan, nagdulot naman umano ito ng pinsala sa ilang mga bintana ng gusali ang nasabing pagsabog.                                                    

Bago ang insedente may nangyari umanong pamamaril sa USMARC kagabi kungsaan narekober sa erya ang empty shell ng M16.
                                            
Kapwa iniimbestigahan ngayon ng mga otoridad ang magkahiwalay na insedente sa USM. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento