Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

66th Founding Anniversary ng Kabacan, pinaghahandaan na!

(Kabacan, North Cotabato/ July 28, 2013) ---Aminado ang Pamahalaang Lokal ng bayan ng Kabacan na hindi masyadong napaghandaan ang nalalapit na fiesta ng bayan ngayong taon.

Ito dahil sa kakapusan ng oras at ang nangyaring transisyon sa pamamahala matapos ang nakaraang eleksiyon ang dahilan kung bakit di napagtuunan ng pansin ang 66th founding anniversary ng Bayan.

Pero sa kabila nito, may mga nakahanda namang programa ang LGU para gawing Masaya at makulay ang fiesta.

Kabilang sa mga aktibidad sa nasabing pagdiriwang ay ang Tree Growing activities, Employment Caravan, Jobs Fair at Career counseling sa August 14; sa August 15 naman ang Interfaith thanksgiving service, Kasalan ng Bayan at Invitational Basketball Exhibition.

Samantala gagawin naman ang Barngay Day, Alay Gupit, Philhealth Moves, Pinoy games at parlorgames at Search for Miss Gay Persona sa August 16.

Habang sa August 17 naman ang 1st  Ten Ball Billiard tournament, Motocross competition at invitational Tennis Tournament sa August 17 at sa araw ng fiesta ay ang Grand Parade sa umaga agad na susundan ng Anniversary Program at Inter School Dance competition at disco ng Bayan sa August 18.


Nakasentro naman sa Peace and Order ng bayan ang magiging tema ng nasabing selebrasyon. (Rhoderick Beñez) 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento