Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

SB Kabacan, di pa nakasumite ng Annual Budget para sa 2014

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2013) ---Pag-uusapan pa umano ang nilulutong pondo ng Pamahalaang Lokal ng bayan ng Kabacan makaraang di pa nakapagsumite ang Sangguniang Bayan ng kanilang annual budget sa probinsiya.

Ito ang sinabi kaninang umaga ni Vice Mayor Myra Dulay Bade sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Ito matapos na nasa unang pagsalang pa lamang sa session ang nasabing panukala kaninang umaga.

Bukod dito nasa ika-apat na regular na session pa lamang ang kabubukas na 9th SB ng bayan.

Bagama’t may ilang mga kasapi ng konseho na absent sa nasabing session naging quorum naman ang kanilang pagpupulong.

Samantala, pinuna naman ni councilor Herlo Guzman Sr., ang ilang mga kasamang mambabatas sa naging session kanina makaraang di sumuot ng uniporme o barong ang dalawang kasapi ng SB.

Paliwanag naman ng dalawa di pa umano dumating ang kanilang clothing allowance. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento