Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagsugpo ng kriminalidad sa bayan ng Kabacan, tinututukan din ng bagong Bise Alkalde ng bayan

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2013) ---Iginiit ngayon ni Vice Mayor Myra Dulay Bade na tinututukan din nila sa Sanggunian ang pagsugpo ng kriminalidad sa bayan ng Kabacan katuwang si Mayor Herlo Guzman Jr.

Ito ang sinabi ng opisyal sa panayam sa kanya ng DXVL News Radyo ng Bayan matapos ang mga nangyayaring krimen sa bayan.

Unti-unti umanong gagawin ito ng opisyal sa tulong na rin ng mga mamamayan ng Kabacan.

Samantala, naging emosyunal naman ang bise alkalde ng matanong hinggil sa pag-usad ng kaso ng kanyang ama na si namayapang Vice Mayor Pol Dulay.

Aniya, ipinapaubaya na umano nila sa Panginoon ang pagkamit ng Hustisya kay dating Vice Mayor Pol Dulay ito dahil sa dir in umano nila nakita ang pagpaslang sa dating opisyal.

Matatandaan na ngayong Agosto a-11 ay gugunitain ng kanilang pamilya ang ika-pitong buwang pagkamatay ng dating opisyal.

Kaugnay nito, nananawagan ang bise alkalde sa mamamayan ng Kabacan na magtulungan para sa ika-uunlad ng bayan at wag din umanong husgahan angmga bagong upong opisyal na bayan, ito dahil sa gagawin din umano nila ang lahat para maibabalik ang anumang tulong pasa sa mga Kabakeños. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento