(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2013)
---Isinusulong ngayon ng Sangguniang Bayan ang paglalagay ng Closed Circuit
Television o CCTV sa mga malalaking establisiemento sa bayan ng Kabacan.
Ito matapos ang mga nangyayaring
kriminalidad sa bayan kagaya ng pambobomba, pamamaslang, nakawan ng motorsiklo
at ilan pang mga kahalintulad na krimen.
Ang nasabing panukala ay batay na rin sa
Republic Act 7160.
Ito para mamonitor ang lahat ng galaw sa mga
matataong lugar kagaya ng parke, palengke, pamilihang bayan, terminal at mga
pangunahing kalye ng Poblacion.
Nabatid na isang printing Press ang
panibagong biktima ng panloloob kagabi.
Sa report ng Kabacan PNP niransak ng mga di
pa nakilalang mga salarin ang L and M Printing Press na pag-mamay-ari ni Larry
Marvel ng Mapanao St., Poblacion ng bayang ito.
Nakuha mula sa nasabing establisiemento ang
isang unit ng Cannon Camera na nagkakahalaga ng P20,000.00 at cash na abot sa
P5,000 cash. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento