Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kasalan ng Bayan, itatampok sa 66th founding Anniversary ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 30, 2013) ---Isasagawa ang Kasalan ng Bayan sa Agosto a-15 ng taong kasalukuyan bilang bahagi ng programa sa ika-66 na taong pagkakatatag ng bayan ng Kabacan.

Sinabi ni Administrative Officer Cecilia Facurib na bukas na ang LGU sa mga magkasing-irog na gusting magpapatala sa nasabing aktibidad.

Maari lamang tumungo ang mga ito sa tanggapan ng Municipal Registrar Office para magpatala kay Civil Registrar Officer Gandy Mamaluba.

Magbibigay ng libreng registration ang LGU Kabacan kungsaan ang 50 mga mag-partner na makasali sa nasabing kasalan ng bayan ay may regalo at libreng cake mula kay Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr.

Bukod sa nasabing aktibidad, gaganapin din ang Interfaith thanksgiving sa umaga at sa hapon naman ng August 15 ay ang Invitational Basketball Exhibition sa Municipal gymnasium. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento