Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

K9 Unit ng PNP maglilibot sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ July 31, 2013) ---Ipinakakalat na ngayon sa iba’t-ibang sulok ng Kidapawan City ang K9 Unit ng Army Explosive Ordnance Division at City PNP Unit.

Ito ayon kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista upang tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa banta ng terorismo.
Ang nasabing deployment ay nagsimula na kahapon.

Dala ang K9 Unit ng PNP ang kanilang mga aso na maglilibot sa perimeter ng Mega Market, malls at Overland Terminal sa lungsod upang masigurong walang pagpapasabog na maganap.

Matatandaan na pinasabugan din ang likod ng USM Administration building noong gabi ng linggo at maswerte namang walang may nasaktan o nasawi sa nasabing pagpapasabog ng granada.

Bukod dito, pinasabugan din ang isang restobar sa harap ng Limketkai Mall sa Cagayan de Oro City gamit ang isang pinaniniwalaang Improvised Explosive Device noong Sabado ng gabi na nagresulta sa pagkamatay ng walo ka tao at pagkasugat ng apatnapu’t apat na iba pa.

Siniguro rin ng city LGU na sapat ang pagkain, gamot at vitamins ng nasabing mga K9 dogs upang mapanatili ang kalusugan at liksi ng mga nito.

Kaugnay nito, masayang tinanggap ni Evangelista ang pitong bagong opisyal ng PNP na madedestino sa Kidapawan City sa loob ng limang buwan.

Dalawa sa mga police inspectors na ito ang ilalagay sa investigation section, dalawa sa traffic division dalawa din sa intelligence gathering at isa ang magiging bagong miyembro ng PNP.

Ang mga nasabing hakbang ay bahagi lamang ng public safety measures na pangunahing concern ng administrasyon. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento