(Kabacan, North Cotabato/ July 31, 2013) ---Patuloy
pang pinaghahanap ngayon ng mga otoridad ang isang 22-anyos na lalaki makaraang
malunod ito sa bahagi ng Rio Grande de Mindanao na nasa Kalakat, Sitio
Malabuaya, Kayaga, aKabacan, Cotabato alas 4:30 kahapon ng hapon.
Sa ulat na ipinarating sa DXVL News ni
Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer David Don Saure,
kinilala ang biktima na si Tata Malugaya at tubong Sitio Punol ng nabanggit na
lugar.
Sakay umano kahapon ang biktima sa Bangka at
bigla na lamang nagkaroon ng ipu-ipo ang nasabing ilog at nilamon ng malakas na
agos si Malugaya at di na nito naisalba ang kanyang sarili.
Sa ngayon nagsasagawa na ng search and
rescue operation ang Quick Response Team ng Kabacan para mahanap ang biktima.
Patuloy naman ang panawagan ni Saure sa
publiko partikular na sa mga residente na malapit sa ilog na ipagbigay alam
agad sa kanila kung sakaling may bangkay na makitang palutang-lutang sa mga
ilog.
Sa kabila nito, umaasa pa ang rescue team na
nakaligtas sa nasabing trahedya ang biktima hanggat di pa ito nakikita.
Samantala inihatd na rin sa kanyang huling
hantungan kanina si Joelina Umali ang batang nalunod sa Kabacan river na nasa USM
compound noong Miyerkules ng nakaraang linggo.
Ito na ang ikalwang insedente ng pakalunod
sa bayan ang naireport bago matapos ang buwan ng Hulyo. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento