(Aleosan, North Cotabato/ February 13, 2015)
---Nanawagan ang spokesperson ng Cotabato Police Provincial Office na si PCI
Bernard Tayong na huwag maghasik ng pananakot na makaka alarma sa ibang mga tao
at kapwa Cotabateño.
Sa panayam ng DXVL news inihayag ni PCI
Tayong na may suspected Improvised Explosive Device o IED na natagpuan sa Bayan
ng Aleosan partikular na sa Pagangan 1 noong nakaraang linggo ng Huwebes.
Nakita umano sa pagresponde ng EOD team na
ang suspected IED ay cartoon casing ng 105 na nilagyan ng wiring ng sirang
mouse ng computer, speaker, lalagyan ng shampoo at candy.
Dagdag pa ni PCI Tayong na ginagawa ng
provincial government ng Cotabato sa pangunguna ni Gov. Lala Taliño Mendoza ang
lahat upang matukoy ang mga bomba at mahuli ang mga naghahasik ng krimen o
terorismo.
Nanawagan din siya na kung sinoman ang may kagagawan nito o
nagbabalak na maghasik ng pananakot na iwasan dahil may karampatang kaso na kahaharapin.
Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento