(Kidapawan city/ February 9, 2015)
---Naudlot ang dapat sanay masayang pagdiriwang ng pamilya Curambao matapos na sumadsad sa kanal ang
sinasakyan nitong Mitsubishi Canter Truck malapit sa bangin sa Brgy. Ilomavis
sa nasabing lungsod dakong alas 10:00 ng umaga kahapon.
Kinilala ang 2 sa mga sugatan na sina
Angeline Caberte, Rosemarei Via, parehong 13 ayos at pawang mga residente ng
Brgy. Mua-an, Kidapawan City na ngayoy nagpapagaling sa ibat-ibang pagamutan sa
lungsod.
Ayon kay Gerald Curambao, 20 anyos,
residente ng nsabing Brgy, ang drayber ng nasabing truck, kulay yellow green,
may palakang LHW 909, papunta umano silang Lake Agco upang ipagdiwang ang
birthday ng kayang lola, tiyahin, at kanyang pinsan kasama ang kaniyang mga
kamag-anak at ilang mga malalapit na
kaibigan.
Tumigil umano ito sa isang bahagi ng
nasabing daan upang tingnan ang kalagayan ng kayang kasama sa front seat na
natalsikan ng mainit na tubig mula sa radiator ng makina ng sasakyan at upang
magshift to low gear narin, tumigil naman umano ang sasakyan ngunit makaraan
ang 5 segundo ay bigla na lamang pumutok ang preno nito at di na nito nacontrol
ang sasakyan at tuluyan ng dumausdos pababa.
Mabuti na lamang umano at doon ito
dumiretso sa gilid nang kanal na kung saan nakaharang na maliit na burol at
hindi ito dumiretso sa malalim na bangin sa konting ibabang bahagi lamang nito.
Tinatayang nasa humigit kumulang 50
katao ang nakasakay sa nasabing sasakyan kasama ang iilang mga malilit na bata
kasama ang ilang wala pang isang taong gulang na mga sanggol at isang buntis sa
nasabing sasakyan.
Agad namang sumaklolo ang Kidapawan
City Emergency Hotline 911 para dalhin sa bahay pagamutan ang iba pang 6 na mga
nasugatan.
Napagalamang meroon umanong nakasakay
na mga wala pang isang taong gulang na mga sanggol at isang buntis sa nasabing
sasakyan.
Laking pasasalamat naman ng pamilya
at hindi sila dumiretso sa bangin at walang binawian ng buhay sa nasabing
insedente at pag nagkataon ay marami umano sanang buhay ang masasayang. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento