Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sangguniang Panlalawigan magkakaroon ng pagpupulong hinggil sa paggawa ng resolution upang mapabilis ang pagtalakay at pagpasa ng BBL sa kongreso

(Pikit, Cotabato/ February 12, 2015) ---Magkakaroon ng pagpupulong ang Sangguniang Panlalawigan sa ika-18 ng Pebrero kasama ang regional offices ng Liga ng mga Baranggay upang gumawa ng resolution na maipasa sa kongreso na hindi maabala ang pagbasa o pag apruba ng Bangsamoro Basic Law o BBL. 

Ito ang kinumpirma ni Board member Dulia Sultan sa panayam sa kanya ng DXVL news.


Inihayag din ni BM Sultan na nagpasa sila ng position paper noong January 21 sa kongreso na isinumite kay Congressman Raymond Mendoza na isa sa Co Chairman ng BBL sa kongreso.


Dagdag pa niya na kasalukuyan ay may pina-follow up sila na position letter ng youth at women’s ng buong North Cotabato na sumusuporta sa pagpasa ng Bangsamoro Basic Law. Christine Limos 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento