(Kabacan, North Cotabato/ February 11, 2015)
---Handa na ang Sangguniang Bayan ng Kabacan kung sakaling makapagpasya ang
iba’t-ibang tribu ng iindorsong Indigenous People’s Mandatory Representative o
(IPMR) ng bayan.
Ito ay matapos magtipon-tipon ang mga
matatanda at lederes ng iba’t-ibang tribu ng Kabacan para sa isang Municipal
Indigenous People Orientation and Consultative Assembly kahapon ng umaga sa
Municipal Gymnasium.
Ito ayon kay Chairman on Social Welfare,
Sangguniang Bayan Members Rhosman Mamaluba sa eksklusibong panayam ng DXVL
News.
Aniya may nakalaan na umanong salary and
wages ang SB Kabacan para sa magiging representante ng Indigenous People’s
Group dito sa bayan at lahat umano ng tribu sa naturang bayan ay magkakaisa sa
pagpili ng magiging representante.
Labis-labis rin ang pasasalamat ni Councilor
Mamaluba dahil sa wakas ay naumpisahan na umano ang proseso ng pagkakaroon ng
representante galing sa katutubong grupo ng Kabacan. Lynneth A. Oniot
0 comments:
Mag-post ng isang Komento