(Kabacan, North Cotabato/ February 11, 2015)
---Nakabenepisyo sa isinagawang medical mission ng Department of Health o
DOH-ARMM kasama ang medical team ng Maguindanao provincial government ang abot
sa mahigit 500 residente sa Mamasapano, Maguindanao.
Ayon kay DOH-ARMM secretary Dr. Kadil Jojo
Sinolinding, Jr., stress at trauma ang karamihan sa nakitang problema ng medical
team sa mga residente sanhi ng naganap na engkwentro sa pagitan ng MILF, BIFF at PNP-SAF noong January 25.
Nabatid na mahigit tatlong libong indibidwal
ang tumanggap ng relief goods at libreng mga gamot. Nakabenipisyo rin sila sa
libreng konsultasyon, at minor surgical operation.
Kaugnay nito, nanawagan si Sinolinding sa
publiko lalo na sa mga magulang at kabataan na magbigay ng kahit anong bagay
tulad ng mga laruan o mga damit na maari pang pakinabangan lalo na ng mga bata
sa lugar. Lorie Joy Dela Cruz
0 comments:
Mag-post ng isang Komento