Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan Telecommunication nag bigay ng pahayag hinggil sa pagkakatigil ng kanilang operasyon

(Kabacan, North Cotabato/ February 9, 2015) ---Nagbigay ng pahayag ang Kabacan Telecommunication hinggil sa pagkakatigil ng kanilang pagbibigay ng serbisyo sa bayan ng Kabacan.

Ito umano ay utos ng National Government sa kanilang Central Office sa Quezon City na isara ang kanilang opisina

Sa panayam ng DXVL kay Kabacan Information and Telecommunication, at ngayon ay Provincial Head of North Cotabato, Engineer Mahadjirin Matanog, ito umano ay dahil sa pagbabago ng kanilang Organizational structure o pagbabago ng pangalan ng kanilang opisina.



Dagdag pa ni Eng. Matanog, isa rin na dahilan ay upang mabigyang daan ang kanilang rationalization plan noon pang 2013 kung saan binibigyang pagkakataon ang mga empleyado na mamili kung mananatili sila sa kanilang opisina o tatanggapin nila  yung nakalaang trabaho galing sa Natioanal Government na naayon sa Executive Order 366.


Dagdag pa nito, sinabi din ni Matanog na magkakaroon ng malaking pagbabago sa kanilang programa, isa na rito ang Technology for Education na kapartner dito ang LGU, hinalimbawa nito ang mga magsasaka kung saan bibigyan umano ng teknolohiyang makakatulong sa pagpapataas ng kanilang produksyon, at kasali na rin sa nilalaman ng programa ay ang pagtulong sa mga kabataang kapos at di nakapag-aral. Vanessa Jane Reyes

0 comments:

Mag-post ng isang Komento