Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Hiling, wagi sa Lantaw 2015!

By: Lorie Joy dela Cruz
(USM, Kabacan, North Cotaabto/ February 9, 2015) ---Nagpamalas muli ng angking galing sa paggawa ng pelikula ang mga studyante ng University of Southern Mindanao sa katatapos na Lantaw Short film festival 2015 na ginanap kamakailan sa University of Southern Mindanao gymnasium, Kabacan, Cotabato.

Tampok ang dalawang pelikula na gawa ng mga mag-aaral sa nabanggit na pamantasan, naglaban laban ang mga ito para sa titulong Best Short Film na nakuha ng Hiling na gawa ng Mockkez Productions ng mga mag-aaral mula sa ibat ibang kolehiyo ng USM; kwento ng pag- ibig, pagkakaibigan at pagsisisi.

Nasungkit din ng naturang pelikula ang Best in Cinemetagraphy, Best Editing, Best Sound Scouring, Best Poster at ang Best Trailer. Nakuha rin ng Direktor ng naturang pelikula na si Abdulmojaimen Talib ang Best Director. Tinanghal din na Best Actress si Honey Lou Elegio na mula din sa kaparehong pelikula.
Pumangalawa naman ang pelikulang Bugtaw ng Abot Kamay Ministry, na tumalakay sa kwento ng second chances. Nakuha din ng nabanggit na pelikula ang Best Story, Special Citation for Socially Relevant Film at ang Best Actor na nagmula din sa nasabing pelikula na si James Villanueva.
Ang Lantaw Short Festival ay ang nag-iisang short film festival ng North Cotabato na nagsimula noong 2010.

Lubos naman ang pasasalamat ni Lloyd Anton Von Colita, ang executive director ng Lantaw Fest sa mga sumuporta at nanuod dito. Kabilang dito ang Director for Human Resource Management na si Dr. Margie Galang at ang higit sa 530 na mga estudyante.

(LANTAW SHORTF FILM FESTIVAL 2015 Winners)

Best Short Film: HILING
2nd Best Short Film: BUGTAW

Best Story: BUGTAW
Best Director: Abdulmojaimen Talib, HILING
Best Actor: James Villanueva, BUGTAW
Best Actress: Hannie Lou Elegio, HILING
Best Cinematography: HILING
Best Editing: HILING
Best Sound Scoring: HILING
Best Poster: HILING
Best Trailer: HILING
Special Citation for Socially Relevant Film: Bugtaw

0 comments:

Mag-post ng isang Komento