Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Takbo Para Sa Pag- ibig, isasagawa sa Bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2015) ---Isasagawa sa bayan ng Kabacan ang isang Fund Raising Activity na may temang ‘Takbo Para sa Pag- Ibig’ na pangungunahan naman ng Kabacan Municipal Police Station.
Ang Fund Raising Activity ay naglalayong matulungan ang mga batang lansangan sa bayan at ganun din ang mga batang hindi nakakapag- aral.
Ang nasabing aktibidad ay gaganapin sa Kabacan Municipal Plaza sa darating na February 21, 2015 sa ganap na 4:30 ng umaga.

Ang ‘Takbo Para sa Pag- ibig’ ay bukas para sa lahat ng nagnanais na tumulong at sumali.
Para makasali, ay mayroong registration fee na babayaran. P30.00 para sa mga etudyante at para naman sa mga matatanda ay P50.00.
Para naman sa mga nagnanais magkaroon ng Fun run T- shirt ng naturang aktibidad ay maaring umorder kasabay ng pagpaparehistro na may halagang P150.00.
Ang makakalap na pondo ay gagamitin para sa isasagawang supplemental feeding program at pamimigay ng mga school supplies na nakapailalim naman sa programa ng Municipal Police Station na ‘Kariton Klasrum’.
Samantala, bibigyan naman ng gantimpala ang sino mang makakapasok sa top 14 na makakaabot sa finishline.
1st prize- Gold Medal with P500.00 cash and Certificate of Participation.
2nd prize- Silver Medal with P250.00 cash and Certificate of Participation.
3rd prize- Bronze Medal with P100.00 cash and Certificate of Participation.
At Consolation Prizes naman para sa 4th hanggang 14th places ay tatanggap ng Tumbler at Certificate of Participation.

Hinihikayat naman ng Kabacan Municipal Police Station sa pangunguna ni Kabacan Police Chief Inspector Ernor Melgarejo ang mga High School Institutions ganun din ang mamamayan ng Kabacan na sumali sa naturang aktibidad. Lorie Joy dela Cruz

0 comments:

Mag-post ng isang Komento