Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Makilala LGU, magbibigay ng tulong sa binatang taga Makilala na nasawi sa Vehicular Accident sa boundary ng Bansalan at Matanao Davao del Sur

(Makilala, North Cotabato/ February 12, 2015) ---Nakatakdang tunguhin ng LGU ng bayan ng Makilala ang pamilya ng nasawing binata sa nang nangyaring banggaan ng Utility Van at Forward Truck sa boundary ng Bayan ng Bansalan at Matanao, Davao del Sur noong Pebrero a-8 upang abotan ng tulong.

Ito ayon kay Makilala Mayor Rudy Caoagdan sa panayam ng DXVL News, kakilala umano nito ang ama ng biktima na isa rin sa Brgy. Kagawad ng Brgy Sto. Niño sa nasabing bayan.


Maalaang patay on the spot ang isang Dennis Elebado, 19 anyos, binata, at residente ng Brgy. Sto. Niño Makilala North Cotabato sa nasabing vehicular accident at isang di pa nakikilalang biktima habang sugatan naman ang sampung iba pa.


Giit pa ng opisyal na lahat umano ng mga taga Makilala na nangangailangan ng tulong ay binibigyang pansin at tinutulungan ng kanyang pamunuan. Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento