(Kabacan, North
Cotabato/ February 10, 2015) ---Naglabas ng panibagong update ang LGU
Department of Agriculture o DA Kabacan patungkol sa Partial Crop Damage Report
matapos ang malaking pagbaha sa iilang lugar ng Kabacan kamakailan.
Ito ayon sa ibinigay
na datos ni Agriculture Report Officer Tessie M. Nidoy.
Aniya ay nasa 417.66
hektarya na ng mga pananim na palay ang naapektuhan ng pagbaha sa iilang
barangay kabilang na dito ang Malanduage, Aringay, Bangilan, Bannawag, Kayaga
at Magatos na nasa iba’t- ibang crop stages.
Samantala, nasa 288
hektarya parin ng mais na naapektuhan ng pagbaha sa mga barangay ng Kayaga,
Pedtad, Salapungan at Aringay. Rizalyn
H. Launio
0 comments:
Mag-post ng isang Komento