Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 2K na mag-aaral, lumahok sa Orientation ng Disaster Risk Reduction Management Act

(Kabacan, North Cotabato/ February 9, 2015) ---Abot sa dalawang libong studyante ng National Service Training Program (NSTP) sa USM Kabacan ang lumahok sa Orientation of the Disaster Risk Reduction Management act na ginanap sa Kabacan, Municipal Gymnasium nito lamang Biyernes a-6 ng Pebrero taong kasalukuyan.

Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Institute of Sports,Physical Education and Recreation sa pakikipagtulungan ng mga NSTP students.
Layon nito na mabigyang kaalaman ang mga estudyante sa kung anong dapat gawin at bilang paghahanda narin sakaling dumating ang sakuna, gayunding maipamulat sa kanilang isipan na maaari silang maging isang bayani sa pamamagitan ng pagsagip ng buhay.

Isa sa naging tagapagsalita ng nasabing programa ay si Provincial Disaster Risk Reduction ang Management Officer, Chief Operation and Warning, Engineer Arnulfo Villaruz, kung saan ibinahagi nito ang tungkol sa R.A 10121 at Incident command System (ICS).


Nagbigay din ng pahayag si University Student Government Vice President, Ruben L. Tagare Jr. sa naturang Orientation at mensahe sa kapwa niya studyante. Vanessa Jane Reyes

0 comments:

Mag-post ng isang Komento